SAMPLE LANG ITO

0 Comments



1. Naging suliranin ng Roma ang malaking agwat ng mga mayayaman at ng mga mahihirap. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit umusbong ang mga digmaang sibil dahil sa hindi pantay na karapatan ng mga mayayaman at ng mga ordinaryong Romano. Kadalasang pinamumunuan ng mga mayayaman ang pamahalaan at dahil dito, ang ilan sa kanilang mga ginawa ay hindi nakatutulong sa mga mahihirap lalung-lana yung mga walang sarilig lupa at nagtatrabao lamang sa mga mayayaman. Dahil sa hindi pagkakapantay na ito natutunong mag-aklas ang ilang tao laban sa pamahalaan ng Roma kagaya ni Marius.

2. Naging suliranin ng Roma ang katiwalian dahil nagsimula nang bilhin ng mga pulitiko ang mga boto ng mamamayan kapalit ng maliit na halaga ng pera. Nakaapekto ito sa korte ng Roma dahil ang ilan sa mga hukom ay nababayaran na kapalit ng pagsang-ayon sa isang pulitiko. Sa kabilang banda, naapektuhan ng katiwalian ang kabang yaman dahil ginamit ng mga pulitiko ang kani-kanilang mga kapangyarihan upang magpataw pa ng mas matataas na buwis sa mga probinsya na siyang nagpahirap pang lalo sa mga mamamayan doon at nagpayaman sa mga tagapag-kolekta ng buwis at mga pulitiko. Ginagamit din ng mga pulitikong ito ang ilan sa mga perang kanilang nanakaw upang bilhin ang boto ng mga mamamayan na umaaasa sa nagbibigay sa kanila ng kaunting pera. Dahil sa mga katiwaliang ito, yumaman pang lalo ang mga pulitiko’t negosyante habang lalong naghihirap ang mga mamamayan ng Roma.

3. Ang mga digmaang sibil ay mga digmaan sa pagitan ng dalawang panig sa isang bansa na ang kadalasang dahilan ay ang hindi pagkakasundo sa isang bagay kagaya ng mga kautusan o batas para sa isang bansa. Ang mga digmaang sibil ay mas masama pa sa digmaan sa pagitan ng mga bansa dahil magkakalahi ang mga naglalaban-laban dito at pera ng bansa ang ginagamit para dito. Walang talo o panalo sa digmaang sibil lalo pa’t ang mga nagpapatayan ay kabilang sa iisang bansa o lahi. Kadalasan pa, ang mga digmaang sibil ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng utang ang ilang bansa. Ginagamit nila ang mga perang ito upang matustusan ang digmaang nagaganap.

4. Gracchi- Magkapatid na Tiberius at Gaius na matataas na opisyal sa Roma noon na sinubukang ipasa ang mga batas na magbabahagi sa lupain ng mga mayayaman sa mga mahihirap.

    Marius- Si Gaius Marius ay isang Romanong heneral at pinuno na hiwakan ang pagiging konsul ng pitong beses na ulit. Kilala siya sa kaniyang mga nagawa lalung-lalo na sa hukbong Romano kagaya ng pagbabago niya ng balangkas nito tulad ng paghahati sa mga legion sa magkakahiwalay na cohort. Nagawa rin niyang talunin ang mga mananakop na Aleman kagaya ng Teutones, Ambrones at Cimbri.

    Sulla- Si Sulla ay isang Romanong heneral at pinuno ng mga Romano na muling bumuhay sa diktaturya na matagal nang tinalikuran ng Roma. Ninais ni Marius na bigyang karapatan ang mga ordinaryong Romano noong mga panahong iyon ngunit may gusto ni Sulla na manatili ang kapangyarihan sa mga mayayaman at sa senado. Dahil sa hindi pagkakasunduang ito, labag man sa konstitusyon ng Roma, pinagmartsa ni Sulla ang kaniyang hukbo sa Roma at tinalo si Marius sa isang labanan.

      Julius Caesar- Isa siya sa mga unang sumakop sa Britanya ngunit nang dahil kay Pompey, inatsan siya ng senado na bumaba sa tungkulin bilang pinuno ng Roma na hindi niya sinunod. Dahil sa hindi niya pagsunod sa utos ng senado, isang digmaang sibil ang nangyari ngunit naipanalo niya ito at ang digmaang ito ang nagbigay sa kaniya ng kapangyarihan at impluwensya. Sinimulan niya ang mga programa para sa lipunan at gobyerno ngunit hindi ito naging matagumpay dahil sa mga sunod-sunod na digmaang sibil na kumukontra sa kaniyang pagiging diktador.

       Augustus Caesar- Si Augustus ang pumalit kay Julius matapos itong patayin. Siya rin ang nagsimulang bumuhay sa republika ng Roma ngunit pinagkalooban siya ng senado ng mga kapangyarihan kagaya ng pagkontrol sa lahat ng hukbo ng Roma.  

0 comments: