SAMPLE LANG ITO
1. Naging
suliranin ng Roma ang malaking agwat ng mga mayayaman at ng mga mahihirap. Ito
ang isa sa mga dahilan kung bakit umusbong ang mga digmaang sibil dahil sa
hindi pantay na karapatan ng mga mayayaman at ng mga ordinaryong Romano.
Kadalasang pinamumunuan ng mga mayayaman ang pamahalaan at dahil dito, ang ilan
sa kanilang mga ginawa ay hindi nakatutulong sa mga mahihirap lalung-lana yung
mga walang sarilig lupa at nagtatrabao lamang sa mga mayayaman. Dahil sa hindi
pagkakapantay na ito natutunong mag-aklas ang ilang tao laban sa pamahalaan ng
Roma kagaya ni Marius.
2.
Naging suliranin ng Roma ang katiwalian dahil nagsimula nang bilhin ng mga
pulitiko ang mga boto ng mamamayan kapalit ng maliit na halaga ng pera. Nakaapekto
ito sa korte ng Roma dahil ang ilan sa mga hukom ay nababayaran na kapalit ng
pagsang-ayon sa isang pulitiko. Sa kabilang banda, naapektuhan ng katiwalian
ang kabang yaman dahil ginamit ng mga pulitiko ang kani-kanilang mga
kapangyarihan upang magpataw pa ng mas matataas na buwis sa mga probinsya na
siyang nagpahirap pang lalo sa mga mamamayan doon at nagpayaman sa mga
tagapag-kolekta ng buwis at mga pulitiko. Ginagamit din ng mga pulitikong ito
ang ilan sa mga perang kanilang nanakaw upang bilhin ang boto ng mga mamamayan
na umaaasa sa nagbibigay sa kanila ng kaunting pera. Dahil sa mga katiwaliang
ito, yumaman pang lalo ang mga pulitiko’t negosyante habang lalong naghihirap
ang mga mamamayan ng Roma.
3.
Ang mga digmaang sibil ay mga digmaan sa pagitan ng dalawang panig sa isang
bansa na ang kadalasang dahilan ay ang hindi pagkakasundo sa isang bagay kagaya
ng mga kautusan o batas para sa isang bansa. Ang mga digmaang sibil ay mas
masama pa sa digmaan sa pagitan ng mga bansa dahil magkakalahi ang mga
naglalaban-laban dito at pera ng bansa ang ginagamit para dito. Walang talo o
panalo sa digmaang sibil lalo pa’t ang mga nagpapatayan ay kabilang sa iisang
bansa o lahi. Kadalasan pa, ang mga digmaang sibil ang nagiging dahilan kung
bakit nagkakaroon ng utang ang ilang bansa. Ginagamit nila ang mga perang ito
upang matustusan ang digmaang nagaganap.
4.
Gracchi- Magkapatid na Tiberius at Gaius na matataas na opisyal sa Roma noon na
sinubukang ipasa ang mga batas na magbabahagi sa lupain ng mga mayayaman sa mga
mahihirap.
Marius- Si Gaius Marius ay isang Romanong
heneral at pinuno na hiwakan ang pagiging konsul ng pitong beses na ulit.
Kilala siya sa kaniyang mga nagawa lalung-lalo na sa hukbong Romano kagaya ng
pagbabago niya ng balangkas nito tulad ng paghahati sa mga legion sa
magkakahiwalay na cohort. Nagawa rin niyang talunin ang mga mananakop na Aleman
kagaya ng Teutones, Ambrones at Cimbri.
Sulla- Si Sulla ay isang Romanong heneral
at pinuno ng mga Romano na muling bumuhay sa diktaturya na matagal nang
tinalikuran ng Roma. Ninais ni Marius na bigyang karapatan ang mga ordinaryong
Romano noong mga panahong iyon ngunit may gusto ni Sulla na manatili ang
kapangyarihan sa mga mayayaman at sa senado. Dahil sa hindi pagkakasunduang
ito, labag man sa konstitusyon ng Roma, pinagmartsa ni Sulla ang kaniyang hukbo
sa Roma at tinalo si Marius sa isang labanan.
Julius Caesar- Isa siya sa mga unang
sumakop sa Britanya ngunit nang dahil kay Pompey, inatsan siya ng senado na
bumaba sa tungkulin bilang pinuno ng Roma na hindi niya sinunod. Dahil sa hindi
niya pagsunod sa utos ng senado, isang digmaang sibil ang nangyari ngunit
naipanalo niya ito at ang digmaang ito ang nagbigay sa kaniya ng kapangyarihan
at impluwensya. Sinimulan niya ang mga programa para sa lipunan at gobyerno
ngunit hindi ito naging matagumpay dahil sa mga sunod-sunod na digmaang sibil
na kumukontra sa kaniyang pagiging diktador.
Augustus Caesar- Si Augustus ang pumalit
kay Julius matapos itong patayin. Siya rin ang nagsimulang bumuhay sa republika
ng Roma ngunit pinagkalooban siya ng senado ng mga kapangyarihan kagaya ng
pagkontrol sa lahat ng hukbo ng Roma.
.png)

0 comments: